Monday, March 29, 2010
Speech - Langla Elementary School 58th Commencement Exercises
Profile: Engr. Edmundo J. Eduardo
Father: Eligio Eduardo (Langla): Mother: Gaudencia Eduardo (Navao)
Wife: Jacquelyn Eduardo: Child: Danielle Mae Eduardo
June 1986 – Mar 1990
Langla Elementary School, First Honor
June 1990 – Mar 1994
General De Jesus Academy, Consistent Top Section
June 1994 – April 1999
Mapua Institute of Technology, Intramuros, Manila
BSECE – Bachelor of Science in Electronics and Communications Engineering
April 13-14, 1999
Passed, Electronics and Communications Engineering Board Exam
82.10% belong to top 30
May 2000 - Feb 2001
Sharp Philippines Corporation
Cadet Engineer
April 2001 – June 2006
J-SYS Philippines Inc.
Software Engineer
Dec 2001
Passed, Japanese Language Proficiency Test, JLPT, Level 3
June 2006 – Present
Workforce Solutions Inc.
Software Engineer – Team Leader
May 2009 – Present
Central Luzon Skills Training Institute Inc.
Jaen, Nueva Ecija
Trainor / Assessor / Vice-President
Feb 12-13, 2010
Passed, TESDA Programming NC IV Examination
Other trainings / education:
June 2006 – Mar 2009
Technological University Philippines - Manila
Masters in Information Technology
24 Units completed
April 2005 – October 2006
Phoenix One, Makati City
Oracle Database Administration
Mar 27, 2010
Langla Elementary School
Engr. Edmundo J. Eduardo
1. Introduction - Pagbati
Maraming salamat sa napakabuting pagpapakila, Gng. Agnes Padolina. Maganda gabi sa ating masigasig na punong-bayan Mayor Santy Austria at sa kanyang mga kasama. Sa ating kagalang-galang na punong-barangay Kapitan Ric San Gabriel at sa sangguniang-barangay. Sa ating masipag na tagamasid-pampurok Doctor Flaviana Santiago at sa ating mahal na punong-guro ng paaralang Langla, Gng. Celia Esguerra. Sa ating mga guro ng paaralang langla kabilang po ditto ang aking maybahay na si Gng. Jacquelyn Eduardo. Sa mga batang magsisipagtapos ,sa mga batang nagtamo ng karangalan at sa kanilang mga magulang. Mga kabarangay at sa mga taong nandirito ngayon, MAGANDANG GABI PO SA INYO LAHAT!!!
2. Introduction – Panimulang pananalita.
Isa pong karangalan para sa akin ang maimbitahan na tumayo at magsalita sa inyong harapan sa gabing ito. Isa po ito sa aking mga pangarap at sa pangarap ng aking ina. Di ko pa rin po lubos maisip na nandirito na ako sa inyong harapan at napiling magsalita.
Noong araw po na sinabihan ako at inimbita para magsalita dito ay di ko po talaga alam ang isasagot. Tumawag po sa akin ang ating mga guro dito sa aking telepono at pumayag naman po ako. Pero pagkatapos po nun eh parang di ko alam kung ano ang sasabihin ko. Tinanong ko o sa aking sarili kung karapat-dapat ba ako na magsalita sa inyong harapan at kung ano naman ang sasabihin ko. Ni wala po akong kotse eh bakit ako ang napili.
Nagtingin-tingin po ako sa mga aklat na nasa aking harapan at humanap ng sagot sa mga tanong kong ito. Isa po sa aking nakita ay galing sa sinulat ng isang Catholic Preacher na si Bo Sanchez na may pamagat ng “8 Sikreto Para Maging Tunay Na Mayaman”. Ganito po ang sinasabi sa isa sa mga talata “Tukuyin mo ang sarili mong tagumpay.”. Pagkatapos po nito at nagsimula na po akong balikan ang aking nakaraan at ano-ano ang mga aral sa aking nakaraan ang pwede kong ibahagi sa mga magsisipagtapos at mga makikinig sa akin.
Sinimulan ko pong balikan ang aking mga pangarap nung ako’y bata pa at aking mga sariling pagsubok at tagumpay.
3. Unang Bahagi – Pangarap
Bago ko po ibahagi ang aking pangarap, pagsubok at tagumpay ay nais ko po sanang tumawag ng dalawang bata sa section 1 and section 2 para tanungin sila sa kung ano ang kanila mga pangarap. Nais ko pong ibigay ang gabing ito sa kanila.
Tanungin ang pangarap ng dalawang bata.
Tanungin ang valedictorian:
1. Halimbawang inuutusan ka ng iyong ina para bumili ng gamut para sa iyong kapatid sa bayan.
2. Habang naglalakad ka ngayon eh may kaibigan / kaklase ka na nakita at niyaya ka nito na maglaro ng baraha, sasama ka ba sa kanya o hindi? At bakit?
3. Sa iyong patuloy na paglalakad ay may kaibigan ka naman na dumaan at may sakay na bisikleta at niyaya ka niyang sumabay na sa kanya. Sasakay ka ba o hindi? At bkit?
4. Sa iyong patuloy na paglalakad ay may tiyuhin ka naman na dumaan at may sakay na tricycle at niyaya ka niyang sumabay na sa kanya. Sasakay ka ba o hindi? At bakit?
Sa atin pong pag-abot sa ating mga pangarap ay mga hadlang at may mga bagay na makatutulong sa atin para maabot natin ito. Ang kailangan lang po ay mag focus tayo sa ating pangarap at iwasan ang mga hadlang dito. Gamitin naman po natin ang bagay na makatutulong sa atin para sa mabilis na pag-abot ng ating tagumpay. Ang pakikipaglaro ng baraha o sugal ay simbulo po bilang isang sagabal sa pagkamit natin sa ating pangarap. Ang Bisikleta po ay simbulo o isang paraan na makatutulong sa pag abot natin ng ating pangarap. Ang Tricycle po ay simbulo naman para malaman natin na may ibang mas mabilis na paraan para sa pag-abot natin ng ating pangarap.
Ganito rin po ang gusto kong sabihin sa inyo sa pagababahagi ng aking naging buhay.
Lessons: In our life’s journey thru our dreams, we met distractions as well as tools. We should focus on our journey and leave away from distractions. But, there are also tools that will help us achieve our goals / dreams faster. We should ride them.
4. Pangalawang bahagi – Talambuhay
Noong kami po ay nag-aaral dito natatandaan ko po na dyan kami laging naglalaro ng sipa ng mga kaibigan ko, sina Rosanno, Ariel, Anthony, Jonathan, Derick, at marami pang iba. Bago po mag 8 ng umaga pag padating na ang mga titser ay titigil ng kami at kukuha ng mga gallon pandilig ng halaman. Pagkatapos nun eh flag ceremony then papasok na kami sa classroom.
Normal naman po ang aking kabataan gaya ng mga ibang bata maliban lang po noong mamatay ang aking ama noong 1986. Walong taon po ako nun at nasa ikatlong baitang. Wala rin po akong kamalay-malay nun dahil bata pa lang po ako pero ang isang maibabahagi ko po rito ay ang katatagan at sakripisyo ng aking butihing ina. Mas pinili po niya na hindi mag asawa at itaguyod na lang ang kanyang tatlong anak.
She is a strong woman and I owed everything to her.
1990: 20 taon po ang nakaraan naman ng huli akong tumayo sa harapan ninyo bilang isa mga nagsipagtapos dito at nagbigay ng aking talumpati. Malungkot na Masaya po ang araw na ito. Malungkot dahil wala na nga po aking ama pero Masaya dahil nandyan naman po ang aking ina, lolo, lola, tiyuhin, tiyahin, mga kapatid ko at mga taong naniniwala sa akin.
1990-94: Pagkatapos po ng elementarya ay nag aral po ako ng high-school sa General De Jesus Academy, San Isidro. Hindi naman po ako kasipagan pero nag aaral naman po ako bago mag exam kaya nanatili naman po ako sa top section for 4 years.
1994-99: Pagkatapos po ng high-school ay kinausap po ako ng aking ina na tumigil daw po muna ako sa pag aaral at hindi raw po nya kaya. Kahit isang taon lang naman daw po dahil tatlo na raw po kami sa kolehiyo. Bale, 5th year po ang ate ko nun at 3rd si kuya. Pero sinabi ko po sa aking ina na gusto kong magpatuloy at sinabi ko po magtitipid ako basta pag aralin lang ako. At pinag aral naman po ako.
Nag aral po ako Mapua Institute of Technology sa Manila. Nakitira po ako sa Tita ko na kapatid ng Daddy ko. Nung unang taon po eh 250 lang po ang baon ko sa loob ng pitong araw. Pitong araw po dahil may ROTC po kami kapag lingo. Isipin nyo po na halos wala pang 40 pesos per day at nandyan pa po ang pamasahe. Pasok po ako ng mga 8AM nun at makakauwi ako ng mga 3PM s bahay at nun pa lang din po ako mananghalian. Nung mga huling taon naman po eh maluwag na rin si Mommy dhil graduate na rin po ung dlwang kapatid ko pero nagloloan pa rin po kagaya ng mga guro ngayon lalo na pag panahon ng enrollment. Nakatapos din po ako makalipas ang limang taon sa kolehiyo.
Lessons: We should continue our focus on our goal / our studies.
1999: Ito rin po ang taon na nakapasa po ako sa ECE Board Exam. Actually po eh before mag graduation eh alam ko na na pasado ako kaya Masaya po itong panahon na ito dahil sa mga tagumpay na ito.
Pero gusto ko lang din pong sabihin na hindi rin po basta nkakamit ang tagumpay. May mga dinadaan poi tong proseso ng pagsusumikap. Noong nagrereview po kami eh halos 16hrs per day po kami na nagrereview para makapasa.
Lessons: All people want to be successful but not all are willing to do things like successful persons did.
1999-2000: Pagkatapos po nito eh nagsimula po akong humanap ng trabaho. Hindi rin po agad ako pinalad na makakita agad ng trabaho at halos isang taon din po bago ako makakita. Ito po ung panahon ng naging desperado rin po ako na sinabi ko sa sarili ko na bakit hindi ako makakita? Itong panahon po na ito eh halos suko na rin po mother ko kakabigay ng allowance paghanap ng trabaho kaya pamin-minsan po eh sumasama ako sa tita ko na magtinda sa Marikina ng gulay pra pagkatapos eh may pang allowance ako panghanap ng trabaho. Kya nkaka relate po ako khit konti sa mga nagtitinda dhil alam ko po mhirap tumayo simula 2AM – 2 or 3PM sa pagtitinda.
Lessons: You have to keep any setbacks as a stepping stone to success. There’s no shortcut to success. One of the rule from the book “If life is a game, these are the rules”: there are no mistakes only lessons.
Una po akong nagtrabaho bilang Cadet-Engineer pero makalipas po ang sampung buwan eh humanap po ako ng mas gusto kong trabaho. Nakakita po ako ng isang Japanese Company at pumasok po bilang Programmer Trainee”. Makalipas po ang isang taong training eh pinadala po kami sa Japan para dun doon mag trabaho. Halos tatlong taon po akong nanatili dun bilang Software Engineer. Masaya na malungkot dun. Masaya dahil ngayon eh kaya ko ng bilhin ang mga gusto sa sarili kong pera at nkakapagbigay na rin ako sa amin. Malungkot siempre dahil malayo sa family. Limang taon po ako ditto sa kumpanyang ito at pagkapatpos eh pumasok naman po isang American Company.
Nandito pa rin po ako hanggang ngayon bilang Software Engineer - Team Leader. May kaibahan po ito sa Japanese Company dahil sa Japanese po eh Seniority at hindi ka mapopromote khit mas magaling ka sa mga senior sau. Sa American Company po kasi gaya ngayon, mas mtatanda sa akin ung ibang tao ko.
Lessons: We should always keep our eye on the opportunities.
Gaya po ng tema natin sa taong ito.
“Education, changing live: Edukasyon ang Solusyon”.
Ang aking pong naging buhay ay masasabi kong isang patunay na mula sa pagiging isang batang walang kakayahang buhayin ang sarili patungo sa isang mamamayang kayang tumayo sa sariling paa at tumulong sa kapwa.
Edukasyon po ang naging susi o solusyon nito.
Patuloy pa rin po ang ating pag-aaral sa professional at ibang aspeto ng ating buhay. Sinasabi nga po kc:
If you are not growing, you’re dying.
Kaya ngayon po, nag aaral naman ang inyong lingkod para maging isang negosyante o business owner. I had to keep pursuing and educating myself in order to achieve my dreams of helping more and more people day by day of my life. I had to keep on improving myself and look other ways besides employment.
Ngayon po eh nagsisimula kami na magtayo ng isang technical school ditto sa bayan ng Jaen. Sa simula pa lang po eh may mga pagsubok na pero sinisuguro ko po na hindi kami susuko sa mga ito.
Requirement po kasi ng TESDA na ang trainor eh dpat pasado sa exam. Sa unang pagkuha ko po eh bumagsak ako. Makalipas ang 3 buwan eh kumuha ulit ako at bumagsak ulit. Sbi ko po sa sarili ko na hindi ko titigilan ito khit 100 beses. Pero dahil sa pagsisikap sa review, sa pangatlong pagkakataon po eh pumasa na ako. May mga inaayos lang po kaming mga papers ngayon and hopefully for this year po ay mag operate na po kami.
Lessons: Lessons are repeated until learned.This is the case where EQ is more important than IQ. This is where we can learn how to manage failure.
Family and Others
Ito pong mga binahagi ko eh mga professional success lamang. May mga ibang tagumpay din po na kasing halaga nito gaya po ng ating pamilya, pagtulong sa kapwa, paglilingkod sa Diyos at iba pa.
5. Ikatlong bahagi – Message to Parents / Graduates
Motivation for graduates:
Final Words
1. Challenge to graduates
a. You have your own genius. You just have to keep working to enhance your skills to achieve your dreams.
b. You will only fail if you stop trying.
c. Life is choice (Maging Lubos na Responsible para sa Sarili Mong Tagumpay).
d. Isipin nyo lagi kung ano gusto nyong maging kayo. Then, gwin nyo ang mga bagay ng makaktulong sa inyo. Then, lahat ng gusto nyo eh darating.
2. Challenge to parents / teachers
a. Don’t be dream stealers.. Help / support them dream big..
b. It is not your dream.. it’s theirs.. they’re different from you..
c. You have the power to bless or curse your children.
6. Huling bahagi
Isang huling mensahe po ang gusto kong iwan sa inyong lahat. Ito po ang lagi sa nating naririnig lalo na kung may balagtasan. Gusto ko pong iwan sa inyo ang isang tanong.
Tanong: Karunungan o Kayamanan?
Tanungin ang dalawang bata.
Pero may isa po pala na option na hindi nakikita ng pangkaraniwang tao. Pwede po pla na piliin nating pareho ang maging matalinong mayaman tao.
L – Look back to your roots.
Look back to God, your parents, teachers, schools, and neighbors.
A – Always keep your dreams alive.
N – Never ever give up.
G- Give your best in whatever you do.
L- Live a life.
Be yourself and succeed as yourself.
Do not try to please everybody.
A – Achieve more and more.
Next time, you will be the one who will be speaking here.
I invite all the graduates when you get home, to go to your parents. Tell them, Mom/Dad “This is the fruit of your labor! I love you!”
Muli po, congratulations to our teachers, parents and graduates!!!
Yun lang po, maraming salamat at magandang gabi sa inyong lahat!
Labels:
Guest Speaker,
Jaen,
Langla,
Nueva Ecija,
Speech,
Success
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
"Always keep your dreams alive." - i like this one! this is so true! :)
ReplyDeletepre,ang ganda speech mo!tutuo naman ,kailangan tlaga FOCUS s gagawin,madami sagabal,pero makakayanan,hwag susuko agad sa laban at hamon ng buhay!you're the best s gabing yan!
ReplyDeleteang galing mo nga ,first honor k s sch. n yan!kadalasan ganyan lang kinukuha n magsalita,ako nga di honor,di nkkamit kahit isa medal,fr.elem to college,madami obstacle n nkapagpatatag s akin!one of my dreams din sana mkpagslita s ganyan okasyon!siguro kapag wl n mapipili...hehehe...
ReplyDeleteang galing mo nga eh!first honor k s sch. n yan!kdalasan ganyan kinukuha magbigay message,ako di nahonor fr.elem to cllege,wl ni isa medal or ribbon n nkamit.One of my dreams ko din n magslita s ganyan pagkktaon.sana!hehehe...
ReplyDeleteSir, pa copy po ng ibang part ha....this one is fits in my school. a classmate and a teacher of our school mentioned to me na next year ako kuhain guest speaker. This is one is super fit. Thanks na marami
ReplyDeleteAng galing! may borrow some of the lines? very inspiring.thanks in advance.. God bless.
ReplyDeletesure :)
DeleteEl Yucateco Casino Hotel, San Pablo, CA - MapYRO
ReplyDeleteEl Yucateco Casino Hotel, San Pablo, 하남 출장마사지 CA 공주 출장안마 is a Native American 전라북도 출장안마 gaming 인천광역 출장안마 destination 제천 출장안마 in San Pablo. El Yucateco Casino Resort.